Sa Kanto ng Magiting at Maginhawa

Pauwi na sila at alam nilang parehas na silang lasing. Kung hindi ay hindi nila makakayang maglakad ng sabay pauwi, na alam nilang tinitingnan sila ng mga tao sa likod nila. Kapag lasing ka nakakaya mo ang awkward silence dahil sobrang gulo ng utak mo at sa totoo lang ang dami raming tunog at boses ang naririnig mo. Huminto siya at pinauna ang mga tao sa likuran ninyo.

Ang totoo hindi ka na makasalita dahil matinding effort ang kailangan para pigilan umiyak. Ni hindi nga siya makatingin ng diretso sa’yo. Kahit na gaano man siya ka-jerk ay kaya naman niyang mag-sorry. At sasabihin nga niya yun. Sasabihin niya rin nang pa-joke na pwede mo siyang saktan sampalin suntukin at kung ano pa man para makabawi sa lahat ng kagaguhang ginawa niya. Dahil diyan mag-jo-joke ka na lang rin kung pwede pa ba kahit nagkaayos na tayo. Tatawa naman siya. Sasabihin mo, “sige pero huwag kang magagalit pag masakit ah”.

At dahil matagal mo na rin gustong gawin iyon, sasampalin mo siya ng isang malakas lakas at wala ka nang magagawa dahil iyak ka na ng iyak sa kanto ng Magiting at Maginhawa. Paulit-ulit mong sasabihin, ‘putangina mo’ habang nag-uunahan mga luha tumulo sa mga mata mo, habang yakap-yakap ka niya. ‘Putang-ina mo’ ng paulit-ulit. Putang-ina mo para sa hindi ko masabing ‘Mahal pa rin kita.’ Putang-ina mo para sa hindi kong masabing ‘Pwede bang tayo na lang ulit.’ At putang-ina mo para sa isang chance na hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo kayang ibigay. Tangina ko rin lang para magtanong pa ulit.

One response to “Sa Kanto ng Magiting at Maginhawa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s