Masaya’t mabuti

Masaya’t mabuti ang ibigin ka- dahil sa panahong tinatangay tayo ng pag-uunahan sa mga tren ng MRT, sa mga panahong minamarkahan ng punch clock ang bawat araw, lumilipas and magdamag na nakaharap sa laptop,  mga linggo sa paghihintay ng susunod na sweldo, mga buwan ng paulit-ulit na araw, mga taon na tumatanda lang tayo ngunit hindi umuunlad, nakadilat pero hindi namumulat- masaya’t mabuti ang ibigin ka dahil pinapaalala mo sa akin ang kahalagahan ng bawat sandali. Na sa mga panahong gaya nito, kahit pa parang umaagos nalang ang oras, marami pang masasaya’t mahiwagang saglit ang darating na maaring bumago sa ating buhay, tulad noong una kitang nakilala.

One response to “Masaya’t mabuti

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s