Bakit kailangang malaman kung bakit?

Hindi ka na niya mahal. ‘Yun na ‘yon. Anong di malinaw do’n?

Bakit, kapag ba sinabi niya kung bakit, may magbabago? Ang bottomline, hindi ka na niya mahal.

 

Medyo masakit teh. Kung ako ‘tong si Mace nakasabi rin  ako ng tangina 10++ times. Tama naman rin ‘tong si Anthony, ang bottomline, hindi ka na niya mahal. Pero bakit nga ba minsan, kailangan nating malaman kung bakit?

Sa tingin ko, naghahanap tayo ng sagot hindi para may magbago sa nangyari. Hindi para umasa na maipapaliwanag mo sa kaniya na mali siya at hindi ka niya dapat iniwan. Lalong hindi para umasa na babalik pa siya. Mahalaga sa ‘tin na naging tulad ni Mace na malaman dahil gusto natin silang maintindihan. We just want to make sense out of what happened, ika nga. Sa’kin, mahalagang malaman kung bakit para mapatawad ko ‘yung taong dahilan kung bakit ang sakit sakit.  Para mapatawad ko ‘yung sarili ko, kung may pagkukulang ba ako. At para mapatawad natin ang pagkakataon at matanggap na kung merong mga itinadhana meron namang, hanggang doon lang talaga. May kilala nga akong batong nagkatawang tao (joke lang) na nagsabi noon, “It was meant to be, it just wasn’t meant to last.”  Sa tingin ko naman, pagkatapos ng lahat- napatawad ko na rin siya, ang sarili ko, at ang pagkakataon.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s