Para l l el

Butil butil na pawis ang namumuo

Sa iyong noo. Nangingilid nagsusumiksik ang luha

Sa talukap ng iyong mga mata. Kumakabog kabog

Ang pusong nagkukumawala

Sa iyong dibdib. Nanginginig parang noong

 

Kukuha ng eksamen sa eskwela

Humihingi sa diyos ng iba ng pasang awa

Natatakot kung papasa

Natututong magdasal. Habang papatak patak

Ang bawat sandali’y nauubusan ng hininga, umaasang may

 

Dugong aagos ngunit wala. Kay bagal naman ng oras

Hanggang maging malinaw ang mga

Sagot sa isang buwan at higit mong pagtataka

Na parang mga sala-salabit na linya

Na binabasa sa iyong palad ng manghuhula

 

Nangangamba sa magkaagapay na linya

Ngunit nakakaligtaan kung matarik ang daan

O tuwing tatawid kahit hindi sa pedestrian

Nagpapadala sa mga gasgas na linya

Na walang pananagutan bagkus pagtatago riyan

 

Natatakot sa paglinaw ng mga malabong linya

Pero sa mga istik ng sigarilyong hinuhugot niya sa kaha

Sa mga puting pulburang nakahain sa mesa

Sa mga singsing sa daliri niya

 

Noong

Unti-unting nalalasing

Susuray suray habang nakakawing

Ang kanyang kamay sa iyong baywang

Walang nakita maski ang sariling halaga nang

 

Butil butil na pawis ang lumunod sa isipan. Tumulo

Ang iyong luha. Noong unang beses ay tila walang

Narinig kahit kumakabog ang dibdib

Akala’y  paglaya ang nakamit ng lalong nabihag

Nanginginig sa hiwaga ng gabing walang harang

 

Sa inyong pagitan, at walang linyang nagisnan

____

Maliban sa kung ano ang ngayo’y nasa iyong harapan

____

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s