paso ng mantika

sa dinami-rami ng alikabok ng tisa na dumampi sa

iyong mukha sa araw araw na pagturo mo sa mga

batang tinuring mong  mga anak, na kahit mapaos

ka sa kakaulit kung hindi nila naintindihan

 

humahanga ako sa iyo habang nanonood sa likod

ng silid-aralan, pinaglalaruan ang mga gamit mo

habang kumakain ng miryendang turon na ‘di mo naubos

wala na akong pinangarap kundi suklian

 

ang bawat araw na pinaramdam mo

ang isang uri ng pagmamahal na

‘di kailanman humingi ng kapalit

kundi ang mabuhay, mabuhay

 

para sa iyo, para sa mga taong ipinagkait na sa iyo

mabuhay para sa isa’t-isa

mabuhay sa pagmamahal na

sana maibibigay mo pa kung ‘di

 

lang nakakapaso bawat nalalabing hininga

kung ‘di lang natutulog ang dugo parang mantika

kapag siniil na ang alab ng kaluluwa

ngunit mabubuhay ka sa alaala ko

 

lalo’t noong ‘di mo alintana ang mga paso ng mantika sa iyong mga kamay

para lang sa mga piraso ng pritong manok na pag-aagawan ng

mga batang kakain naman kung anong nakahain

tuwing agahan, tanghalian, at hapunan

 

gising ang alala mo sa aking diwa

nakamarka para ring mga paso ng mantika

4 responses to “paso ng mantika

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s