(sa)li(ta)nya

Tatanggapin mo ba ako kahit ‘di ko masagot ang mga text at tawag mo dahil maghapon akong tulog.

Tatanggapin mo ba ako kahit paulit-ulit kong pinapanood ang mga pelikulang sa dulo, baliw pala ‘yung bida.

Tatanggapin mo ba ako kahit ‘di ko masagot ang mga text at tawag mo dahil magdamag akong nagtrabaho.

Tatanggapin mo ba kung ‘di ako naniniwala sa happy endings.

 

Tatanggapin mo pa ba ako kahit ‘di na malambot ang kamay ko dahil natapunan ko ng Mighty Bond noong dinidikit ko ang paborito kong lumang sapatos.

Tatanggapin mo ba kahit araw-araw akong sabaw ‘pag magkausap tayo.

Tatanggapin mo pa ba ako kahit ‘di na malambot ang kamay ko dahil kailangan kong magtrabaho sa bahay dahil wala na rin naman kaming nanay.

Tatanggapin mo ba kahit araw-araw akong nag-iisip kung bukas mawawala ka na ba.

 

Tatanggapin mo pa ba ako kahit kainin ko lahat ng patatas na sahog sa ulam mong Caldereta at Menudo (kahit anong ulam pa yan basta may sahog na patatas).

Tatanggapin mo ba ako kahit makikipag-agawan ako sa ‘yo tuwing may  makikita tayong magandang T-Shirt na Batman.

Tatanggapin mo pa ba ako kahit kakainin ko lahat ng sinabi ko sa ‘yo na hindi na lang kita mamahalin kasi hindi pwede.

Tatanggapin mo ba ako kahit makikipag-agawan na lang ako sa iba ng pagkakataong maging masaya.

 

Tatanggapin mo ba ako kahit baka maiyak ka sa kwento ng buhay ko.

Tatanggapin mo ba ako kapag nalaman mo na hindi naman pala ako weird at cool.

Tatanggapin mo ba ako kapag hindi pala ako maganda.

Tatanggapin mo ba ako kung nakilala mo na ako?

 

Tatanggapin mo ba ako kapag naintindihan mo kung anong ginawa ko para lang mabuhay.

Tatanggapin mo ba kung iyon rin ang dahilan kung ba’t ‘di ko na rin gustong mabuhay.

Tatanggapin mo ba kung hindi ikaw ang una? Kung baka ‘di rin naman ikaw ang huli.

Tatanggapin mo ba ako kahit ni hindi ko matanggap ang sarili ko.

 

Tatanggapin mo ba ako kahit ‘di pa ako graduate ng UP.

Tatanggapin mo ba ako hanggang matanggap ako ng mga taong mahalaga sa ‘yo.

Tatanggapin mo ba ako sa kabila ng sarili mo.

Tatanggapin ba ako ng puso mo kapag napuno na ng pride ang isip mo.

 

Tatanggapin mo na ba tayo ‘pag tama na ang panahon.

Tatanggapin mo ba ako ‘pag nagkita tayo ulit.

Tatanggapin mo ba ako ulit ‘pag nagkita tayo.

Tatanggapin mo pa ba ako?

 

kungsankitaunangnakita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s