Dire-diretso

Maraming paraan para isulat ‘to. Pwedeng ‘yung makata, pwedeng ‘yung mabulaklak o maraming metaphors, pwedeng sa point of view ng driver ng taxi o ng takatak boy sa kalye. Maraming paraan, pwedeng ‘yung paborito ko, pwedeng i-mask, gawing fiction, gawing kwento ng iba, pwedeng lagyan ng maraming layers. Sabi mo nga, dyan ako magaling, ‘yung kunin ‘yung experience ko tapos isulat sa paraang malayo na sa sarili ko. ‘Di kamo katulad. Ikaw, isusulat mo lang kung ano talaga nasa isip mo. First person at ikaw na ikaw. Hindi ko kaya ‘yun e. Takot ako sa ganon. Ayokong husgahan kasi ganito ako, ganyan. Ikaw kasi, matapang ka naman, at hindi ka natatakot magkamali o masaktan. Bukod doon, nakaka-enjoy naman kasi talagang basahin ang musings mo. E kasi naman, doon ka rin magaling. Sabi nga nila, sincere raw, honest. Oo nga, doon ka nga magaling. Kung hindi mo (na) nga mahal ang isang tao, sasabihin mo rin, iiwanan mo kahit masaktan pa siya- dire-diretso walang lingon-lingon, parang itong sinusulat ko. E kasi hindi ka masaya eh. Hindi ‘yun ‘yung gusto mo. Humahanga nga ako sa personality mo. Minsan sa buhay ko sana maging ganyan ako. Pero ‘yun nga. Maraming paraan para isulat to. Pero, susubukan ko rin. ‘Yung walang mask-mask, ‘yung walang kahit ano. ‘Yung totoo lang. ‘Yung kung ano lang talagang nangyari. Sgurado, matagal kong iisipin tong  sinulat kong ito. Sana hindi ko burahin. Sa Facebook note kasi dapat ‘to bumagsak eh. Kaya nga ako may ganitong blog, para na-fi-filter ang emosyon. At para kasing na-hack lang ‘yung may-ari ng blog e.

So ‘yun na nga. Dalawang linggo nang ganito, sabi ko nga hanggang 3 month rule lang raw kasi sabi ni Popoy. Kaya lang sabi ko sa sarili ko noon, sige, baka kasi natagalan ka lang bumalik. Sabi mo kasi, ‘pag may ginawa kang ganito, Just don’t do anything stupid, I’ll come around. Pero, baka hindi na nga. Kaya ‘yun, dalawang linggo mula nung three months na, dalawang linggo ko na ring pinapatay ang sarili ko sa pagpapakapagod, pagtatrabaho, pagtulong sa iba, pag-lahat ng pwedeng gawin. ‘Yung tipong ang natitira na lang na oras sa araw ay para matulog. Bakit. E kasi gusto kong mawala ka sa isip ko. ‘Yun lang, aminin na natin na fail attempt ‘tong ginawa ko. Hindi ko kasi maintindihan, pero para bang background app ka sa utak ko. ‘Yung kahit anong ginagawa ko eh andyan ka pa rin. Nakakainis ‘di ba. Kahit gaano ko kapagod, pumunta saan-saan at gumawa ng kung ano-anong report at files, ay wala andyan ka pa rin.

Kanina, habang nakasakay ako sa taxi, naisip ko “totoo ba to?”, dire-diretso kasi ang takbo ng mga sasakyan. Tapos ayon, biglang may traffic sa may Espana. Syempre naman. Kaya biglang huminto ang mabilis kong mundo na parang laging may hinahabol at humahabol. Dapat mainis ako eh. Nagmamadali kasi ako. Pero hindi, natuwa pa ako. Kasi biglang, naisip kita. May panahon para isipin lang kita. Sobrang gaan sa loob. Nakakainis no, ‘yung iniiwasan mo. Hay doon ka rin pala babalik. Naisip ko na, ikaw pala ‘yung pahinga ko. Hindi kapag tulog, hindi kapag nagmimiryenda, hindi ‘pag nakaupo lang. “Yung pahinga ko ay tuwing iniisip kita. Noon lang ako nagiging payapa. Noon lang kumakalma ang pakiramdam ko. Noon lang ako masaya. Bakit ko ipinapagkait sa sarili ko ang maging masaya. Sabi mo nga, at noong tula na ipinabasa mo sa akin noon. There is joy in pain naman, or in loving in silence. It’s a beautiful kind of pain.

Too much idealism, it hurts. Kamusta ka na? Hindi ka na nagsusulat. Dire-diretso rin ba ang buhay mo? Hindi ka na rin ba nagbabasa? O humihinto para lang mag-isip tungkol sa buhay. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay mo. Kung tutuusin, minsan naging kakambal ‘yun ng buhay ko. Hindi ako gumigising at humaharap sa isang panibagong araw na wala ka. Kahit pa l fucking d sort of r tayo. Gusto kong kamustahin ka, pero hindi mo naman kailangan. Saka wala sa rules eh. Three months and two weeks, nagsinungaling naman ako kanina. Hinihintay pa rin naman kitang bumalik. ‘Pag maayos na ako, siguro, sana. ‘Pag maayos na ako, pag okay na ‘yung buhay ko, pag nasa tamang landas na, ‘yung nabubuo ko na mga pangarap ko… baka nga, noon lang rin kitang kayang i-let go. ‘Yun lang rin naman ‘yung gusto mo para sa akin ‘di ba. Hihintayin na lang kita, kasi wala na akong hahanapin sa mundo. Nakita ko na, sa ‘yo, kung ano ‘yung matagal ko nang hinihintay. Oo okay lang. Alam kong hindi ka na babalik. Gusto ko lang maging masaya. Gusto ko lang mahalin ka pa. Hanggang meron pa. Hanggang nandito pa. ‘Wag kang mag-alala kasi, dire-diretso pa rin naman ang buhay. Hindi rin naman lalaki ang posibilidad na magkasalubong tayo kung saan man, kung susuko na lang ako at hihinto. Oo naman, Hon, dire-diretso lang. Better days are coming, ‘di ba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s