Hiram na Liham

Binasa ko kaninang umaga ang liham mo sa kanya, liham na mas pinili mong ibahagi sa mundo kaysa itago sa isang sobre at iabot sa kanya. Binasa ko ang iyong liham at nakaramdam ako ng pagnanais na magalit, malungkot o manghinayang. Minahal kita, ‘yung pagmamahal na hindi maramot, hindi makasarili, hindi gaya ng pagmamahal na natutunan ko noon. Natutunan ko na maaari palang magmahal at maging malaya. Binasa ko ang liham mo at sa totoo lang, hindi ko man maintindihan kung bakit ay hindi ako nagalit, nalungkot, o nanghinayang.

Sa huli, namangha lamang ako sa pag-ibig. Namangha ako sa pag-ibig na mayroon ka para sa kanya. Kaya naman, hindi na rin siguro ako magtataka kung hindi kayang baliin, ng liham na iyon o ng katotohanan na magmamahal ka ng iba, ang pagmamahal na mayroon pa rin ako para sa ‘yo. Tulad nga ng sabi mo noon, ang pag-ibig, anuman ang anyo nito ay ang pinakamagandang bagay na maaaring mangyari sa buhay ng isang tao.

Natagpuan ko ang pinakamagandang bagay na ito, noong nakilala kita. Dito o maging sa ibang mundo, mamahalin pa rin kita-  nakakubli, nakatago sa lilim at mananatili, muli mo mang matagpuan at mabatid o hindi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s