Patungo sa ibang mundo

Pilit kong inaalala.
Ang iyong mga salita.
Pagpikit ng iyong mga mata.
Mga biruan at tawa.

Ang iyong mga labi.
Ang iyong mga hikbi.
Ang iyong mga titig.
Ang iyong mga bisig.

Dadalhin ng hangin.
Ibubulong sa iyo, aawitin.
Hahanapin.
Habang buhay kang hihintayin.

Salamat sa pagturo sa akin
Na pahalagahan ang aking sarili.
Salamat sa pagkilala
Sa ganda na higit sa nakikita ng mga mata.

Salamat sa pag-asa na iyong binigay
Na maaayos ko ang aking buhay
At mahahanap ko ang aking sarili.
Salamat sa bawat umagang pinuno mo ng mga ngiti.

Salamat. Salamat sa lahat.
Ikaw ang pinakamagandang bagay
Na dinala ng buhay
Sa aking mga kamay.

Salamat sa mga linyang daig pa’ng pelikula.
Sa mga pahina ng iyong talaarawan na tayo ang bida
Salamat sa mga awit.
Salamat sa sakit.

Sana balang araw mahanap mo rin
ang pag-ibig.
Na magiging bahagi
Ng iyong mga pangarap.

Baka sa ibang panahon
Mag-uusap ulit tayo
‘Yung inanod ng pagkakataon
Maibabalik ko na sa ‘yo

Baka isang dapithapon
Magkikita ulit tayo
Magkakatabi sa eroplano
Patungo sa ibang mundo

Kapag hindi na ako takot lumipad
Baka sabay tayong mapadpad
Sa isang lugar na wala ka nang iniintindi
At malaya na rin ako mula sa aking sarili

Sana may iba pang mundo
Kung hindi dito.
Sana sa ibang mundo
Ikaw naman at ako.

DSC01451

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s