Katumbalikan

Gusto kitang makausap

Sa AS Walk, sa tapat ng Engg,
Sa Adarna, at sa C.P. Garcia
(03 08 12)

Gusto kitang makausap.
Gusto kong sabihin mo sakin lahat ng problema mo. Lahat ng mga bagay na gumugulo sayo. Lahat ng bagay na pinagsisisihan mo. Gusto kong makita yung ikaw na hindi pa nakita ng iba. Yung ikaw na natatakot kang maging.

Hindi kita kilala. Hindi kita aaluin. Hindi kita huhusgahan. Makikinig lang ako sa lahat ng sasabihin mo. Makikinig lang ako hanggang tumulo ang mga luha mo.

Hindi kita yayakapin. Hindi kita patatahanin. Makikinig lang ako hanggang may mga salita pang hindi mo nasasabi. Hanggang may parte ng sarili mong pinipigilan mong lumabas, hanggang may mga bagay pang itinatago mo.

Gusto kong tanggapin ka kung sino ka. Kung naging sino ka. Kung ilang beses kang nagkamali. Kung ilang subjects ang binagsak mo. Kung ilang klase ang hindi mo pinasukan. Kung ilang semester ka nang delayed. Kung ilang sigarilyo na ang nahithit mo kung ilang bote ng alak ang naubos mo. Kung ilang mura na ang lumabas sa bibig mo.

Kung san ka man nagkamali. Kung hindi mo man itinuring ang mga iyon na pagkakamali. Kung saan ka lumigaya kahit baka hindi na tama. Kung ano ang konsepto mo ng kaibigan.

Gusto kong malaman kung anong bumubuo sayo. Kung anong pinanghahawakan mo. Kung sino sino ang nagpaibig sayo, niloko mo, sinaktan mo.

Gusto ko makita ang mga kahinaan mo. Kung sino sino silang napaibig ka, sinaktan ka, iniwan ka.

Makikinig ako sayo gaya ng paraang gusto kong may makinig sakin. Isang taong masasabihan ko ng lahat. Isang taong hindi matatakot na masaktan ako sa pagsagot ng mga tanong ko. Isang taong hindi iisipin kung anong gusto kong marinig, kung anong mararamdaman ko. Isang taong makikinig nang walang panghuhusga, puno ng pagtitiyaga. Isang taong makakapagpalaya sakin mula sa sarili ko.

Kung hindi ko man makita ang taong ito, kung hindi man ako matagpuan ng taong ito nais kong malaman mo. Ikaw, minahal na kita nang parang nagtagpo na tayo. Na parang nakilala mo ako at nakilala kita. Kung sa pagtatagpo natin ay nagkakilanlan na tayo. Ngunit minahal na kita una’t una pa man. Minahal na kita sa paraang tila nangyari na ang imposibleng tagpong ito, na parang maaaring mangyari ang tagpong ito, na parang mababasa mo ito.

Para sa mga naninirahan sa Bikini Bottomshire.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s