Iyong Minahal

Patawarin mo ako pagkat hindi kita minahal

Sa paraang gusto mong ika’y mahalin

Patawarin mo akong nagmahal ng iba

At hinayaan ka

Na mahalin ako

Ngunit ang pagmamahal ba

Kung hindi kayang suklian

Ay dapat tanggihan

Ang pagmamahal ba ay maramot

Patawarin mo ako

Sa hindi ko pagpilit

Sa pusong magmahal

Na hindi ka hinintay makalimot

Patawarin mo ako

Sa hindi ko pagpigil

Sa pusong magmahal

Iyong minahal ko siya

Kung paano mo ako minahal

Kusa o di sadya

Iyong minahal

May pagkakaiba ba

Doon sa nagmahal

Siyang nasaktan

Ba’t gugustuhing makasakit

Ngunit ang pag-ibig

Hindi ba’t mapagpalaya

Iyong tunay na pag-ibig

Handang magparaya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s