X

Usaping ex. Medyo mahirap rin isulat at pagkasyahin sa isang paragraph yung experience mo sa mga pinaka-interesting na moment ng buhay mo aka noong nakilala mo ‘yung mga to. Aminin mo na ‘yan, at one point minahal mo tong mga ‘to ng sobra sobra o kahit pano, hehe. So ito na nga.

‘Yung first crush ko. Medyo bata pa ko nito. Pareho kaming mahilig sa history subject, kaya ko siguro siya nagustuhan. Amaze na amaze pa ko sa effects niya sa akin noon. Syempre medyo wala pa kong alam. Naghakot pala siya sa Razzies. Ang dami kasi niyang pasabog syempre ‘pag ganon dati kala ko magaling na, tapos samahan mo pa ng love story ayun  na, na-in love na ako. Ten palang yata ako nito, ‘wag mo ko i-judge. Kala ko ‘yun na yung the best, pero syempre hindi. Medyo ikinahiya ko at one point ang pagkahumaling sa kanya. Pero paano mo nga ba makikita ang tama kung hindi nagdaan sa mali.

Sumunod na ‘yung first love ko (syempre meron pa in between pero hindi naman sila ganon ka-importante so ‘wag na), anyway, ito ‘yung di ko makakalimutan. Ito ‘yung nagturo sa ‘kin magmahal (naks). Ito yung kumbaga, classic. Ika nga it never dies. ‘Pag nahe-heartbroken ako sa mga pangit, ‘di matalino, at walang kwenta ito ang ni-re-reminisce ko. Para di ako mawalan ng pag-asa na mahanap ko ang ‘the one’. Na may matitino pa kong makita. Pero masyado ‘tong perfect para sa ‘kin e. Para ito yung campus crush na gusto ng lahat. Parang dadaanan mo lang talaga siya at hahangaan forever, pero hindi siya para sa’yo. siya lang ‘yung magiging standard mo.

Itong isa hindi ko alam kung paano ko siya ile-label eh. Siya ‘yung nakaka-gets talaga ng trip ko. Siya yung may statement talaga sa sarili niya, may comment on humanity at may matibay na philosophy at insight on our society. Marami ka matutunan. Gumamit ng mga symbols na pwedeng i-enjoy at maintindihan kahit ng mga bata pero malalim ang sinasabi. Masarap kausap kumbaga, ito yung alam mong may future. At may potential maging ‘classic’ pagdating ng panahon. Pero masyadong seryoso eh, nakakabobo ba. In fairness minahal ko ‘to ng sobra-sobra, bumili ako ng mga t-shirt na may mukha niya. At kabisado ko lahat (oo lahat) ng quotable quotes na lines niya. Pero ito yung ‘the one that got away’ eh. Eventually kahit feeling mo siya na ‘yun parang ‘di pa rin eh. May konting duda pero sya na ‘yung closest to ‘the one’.

Ito naman interesting din. Medyo ‘di mo alam kung matalino o gago lang, kayang-kaya niya i-balance yung genius at naivete. Ayos to. ‘Yung style niya smooth pero marami ka ring matutunan. Pinagkaiba niya sa nauna ‘yung style niya satirical e. Saka may sense of humor. Ito ‘yung ex mong gago na babalik-balikan mo kasi masyadong hot. Pinatawa ako at pinaiyak nito. Ganon siya ka-astig. Pero hindi lahat nakikita ‘yun. Underrated ba. Sana mas marami pa makakilala sa kanya kasi deserving siya para run. Para marami pa siya mapasaya (at mapaiyak din hehe).

Naghihintay pa rin ako sa ‘the one’, at kung hindi ko siya makita, i-imagine ko siya. Iisipin ko siya, isusulat ko siya… At gagawin ko siya. 🙂 tapos gusto ko mapanood at makita siya ng maraming tao sa sinehan. Kebs kung magustuhan nila o hindi. 😉

2 responses to “X

  1. Usapang Ex. Siguro dahil sa pose mo sa iyong Gravatar pic — kinukunan ang sarili na hawak ang DSLR habang kinukubli ang mukha, at ang iyong maalong buhok — may pic din na katulad na katulad nyan ang pinakaunang babae minahal ko, ang aking first love. Perpekto kami para sa isa’t isa, swak na swak, same wavelength, at eto pa: matalino, sexy, maganda, napakamaalaga. Wala na akong dapat hanapin pa. Feeling ko, siya na ang the one. Pero ewan ko ba, matapos ang mahigit isang taon, bigla na lang nawala ang baga, ang apoy sa aming dalawa. Mutual naman yata ang desisyon, although ako ang unang nagbring-up sa inevitability ng aming sitwasyon. Teka, mutual pa ba kung ganun?

    Nakakatuwa din pala ang magsulat tungkol sa ex. Lasap ko ang tamis ng kahapon. Dati may pait pa, pero tama nga sila, lahat ng pait, napapatamis din ng panahon.

    Sulat ka lang ng sulat. May talento ka.

    • Binasa ko ng maraming beses ‘yung comment mo at marami rin akong gustong sabihin.
      Pero it might sound like a different blog altogether :))
      So ngayon, ito na lang muna. Salamat! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s